Alora barag sa KathNiel fans, nag-sorry agad: ‘Insensitive joke po, mali ako…di na mauulit’ KINUYOG ng KathNiel fans at mga netizens ang komedyanang si Alora Sasam dahil sa kanyang “insensitive joke” sa breakup nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla. Na-bad trip ang mga supporters nina Kath at DJ nang mabasa ang ipinost ni Alora sa kanyang X account sa gitna ng pagluluksa ng milyun-milyong KathNiel fans sa buong mundo. Isa si Alora sa mga close friends nina Daniel at Kathryn kaya naman sumama ang loob sa kanya ng mga fans dahil sa tila mapanukso niyang social media post na burado na ngayon. Kahapon, December 1, nagbahagi nga si Alora sa X ng litrato nila ni Kathryn kung saan nakayakap sa kanya si Kathryn habang tila may ibinubulong. “Shot puno mamaya. Bawat tumakas,” ang nakalagay sa speech balloon ni Kathryn. Sabi naman sa speech balloon ni Alora, “Pwede iwan ko na lang atay ko? Balikan ko bukas.” Hirit pa ni Alora sa caption ng ipinost niyang picture, “December 1: Philippine National Shot Puno Day.” Kasunod nga nito ay binatikos ng netizens si Alora dahil hindi nila nagustuhan ang pagdyo-joke nito sa paghihiwalay nina Kath at Daniel. Hindi raw ito ang tamang pagkakataon na gawing katatawanan ang pinagdaraanan ng KathNiel. Baka Bet Mo: Alora Sasam nag-sorry sa KathNiel nang magbakasyon sa Thailand: Pasensiya na sa istorbo, hiyang-hiya ako! Narito ang ilan sa mga comments na nabasa namin sa post ni Alora. “Wala pang lagpas 24hrs since the announcement kagabi. The pain is still fresh. Kahit kaunting respeto man lang sana.” “Alora posting a meme a day after kathniel confirmed their breakup while everyone is saddened. shows how insensitive she is.” “Matagal ka ng insensitive pero mas pinamukha mo ngayon kung gaano ka ka-insensitive.” “Okay lang sana if hindi naman sya kilala but she’s literally one of kath’s friends. feels like she’s celebrating the break up or smthn.” “God bless you, @alorskieee we hope you also find peace and you’ll put your good effort in the right place, in the right way.” “The fans are well aware that the world won’t stop just because we’re hurting but please lang, have some little kindness and be sensitive enough. 12 years ‘to, alora!! 12 freaking years!! parang di naman nag grade 2 dyan.” “YUNG TINUTURING KANG KAIBIGAN PERO GINAGAWA KA LANG MEME SA LOWEST POINT MO. KAPAL NG MUKHA NITONG ALORA NATO LITERALLY KIMMY!” Matapos ma-bash nang bongga, nag-sorry agad si Alora sa mga fans dahil sa kanyang “insensitive joke”. Aniya sa kanyang X post, “Hello po, sorry, insensitive joke po. Mali ako. Di na po mauulit. Sorry po. Deleted na po.” Nitong nagdaang November 30 inihayag nina Kathryn at Daniel sa madlang pipol na naghiwalay na sila matapos ang 11 years bilang magkarelasyon. Sey ni Kathryn, “I’m well aware of the rumors and speculations going around, and as hard as it is to put everything into words, I want you to hear it straight from me; It’s true that Deej and I have decided to part ways. “Like any relationship, we tried our best to make it work. We’ve been drifting apart for a while now, and we ultimately had to accept that we can’t go back to were we used to be. “It just won’t be fair to pretend that everything is still the same,” aniya pa. Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
Leave a Reply