Muling hinangaan ang vlogger/social media personality na si Whamos Cruz dahil sa pagkuha nito ng memorial life plan para sa kanyang ina. Nauna rito ay ikinuha rin niya ng life insurance ang kanilang anak ni Antonette Gail na si Baby Meteor; isang pahiwatig na malawak na ang pang-unawa ni Whamos sa mga usaping proteksyon at paghahanda.
Sa isang vlog ay ibinahagi niya ang nakatutuwang eksena nila ng kanyang ina kung saan ay kinukumbinsi niya ang ina na punuan na ang application form para maisumite na umano sa St. Peter, isang kilalang kompanya.
Matindi ang pagtutol dito ng kanyang ina sa simula pa lang. Sabi pa nito, “Ano ka? Buhay pa ako, sine-St. Peter mo na ako?”
Sagot naman ni Whamos, “Kailangan mo ‘yan.”
“Kailangan ko? Para libingan ko ‘yan?” pakli naman ng ina na 46-anyos lamang. “Baka mamaya mamatay akong bigla. (napamura pa) Bakit, gusto mo na ba akong mamatay?”
Natatawang nakipagpalitan ng paliwanag si Whamos na sinabayan pa niya ng pananakot at pagbibiro. “Para alam na namin agad kung saan ka namin pupuntahan pag wala ka na.”
Tulad kasi ng maraming kababayan natin na hindi pa bukas ang isip sa usaping paghahanda sa ‘paglisan’ tila may pangamba ang ina na kapag kumuha ng memorial plan ay nagtatawag ito ng pagsasakabilang-buhay ng isang tao.
Sagot naman ni Whamos, mali daw ito. “Kapag kumuha ka ng St. Peter ay mas hahaba ang buhay mo!”
Sa pakwelang paraan ay ipinaliwanag ni Whamos na mabuti na ‘yung may paghahanda. Buwan-buwan umano nila itong babayaran para kung may mangyari, halimbawa, sa susunod na taon ay mamaalam na ang kanyang ina, ay mayroon na itong himlayan at hindi na nila poproblemahin. hahaha eh ‘di lalo niyang pinakaba ang ina?
Mahaba pa ang palitan nila ng usap na puno ng hagalpakan ng tawa, ngunit kalaunan ay pumirma na rin ang kanyang ina. Idinaan lang ni Whamos sa pabirong paraan ang pagpaparating dito na isa itong praktikal na hakbang sa buhay.
Aprub naman sa netizens ang kanyang ginawang pagkuha ng St. Peter’s Life Plan para sa ina. Nabanggit din naman ni Whamos na sila man ay kumuha rin at puwede naman itong ‘ipamana’ (transferable).
“Reality in life something na others are neglecting… Ang cute how they are very open sa isat isa …”
“Ang ganda ng mga plano mo sa buhay para sa family mo…tama naman yan dahil parang life insurance yan na Hindi yung insured and makikinabang kundi yung mga maiiwan, parang dito sa states lahat nakaayos na…para pag yumao walang problemang iiwan sa mga mahal sa buhay…good job.”
“Oh Whamos – you’re so funny 😅 I admire you so much dahil napakabait mong anak love mo lahat ang pamilya mo❤️ very practical kaysa mama mo funny but true. I really love this vlog I enjoyed watching you two.”
Panoorin ang nakaaaliw nilang palitan ng argumento sa YouTube channel ng Whamos Vlogs::
Leave a Reply